Hindi mawala-walang tubig-baha, reklamo ng Bayan Patroller
Tubig-bahang hindi mawala-wala at pinangangambahang pamahayan ng mga lamok na may bitbit na dengue, idinulog ng Bayan Patroller!
Sa mga litratong ipinadala ng Bayan Patroller na si Engracia Lazo ng Caluag Compound, Guiguinto, Bulacan, makikitang mistulang batis na ang paligid ng kanilang mga tahanan!
Iyan po ay dahil sa naipong tubig-baha, hindi lamang bunsod ng ulan kundi maging ang mga umaagos umanong tubig buhat sa Northrail project na malapit sa kanila.
Paulit-ulit na raw nila itong idinulog pero hanggang ngayon, wala pa ring aksyon.
Kaya muli, panawagan nila sa kanilang munisipyo na solusyunan na sana ang problema bago pa magkasakit ang mga residente.




Dengue
Kaya lumalala ang sakit na dengue dahil sa tubig bahang-stagnant. Tsk! tsk!