Mahigit 100 residente, nakinabang sa makinang naglilinis ng tubig para mainom


Hirap ang mga residente rito sa bahagi ng Imus, Cavite sa maiinom na tubig. Laking  pasasalamat ni Aling Lydia nang mapagkalooban sila ng makinang makakatulong sa kanila para magkaroon ng malinis na tubig. Kahit pa mula sa tubig sa kanal ay kaya umanong gawing ligtas na maiinom.
 
“Dirty o waste water puwedeng gawing potable water na kung ayaw mo nang inumin, puwedeng pampaligo, pang-flush ng toilet, panglaba,” ani Harry Freires, ang nag-imbento ng makina.
 
“Wala ho mararamdamang sakit ng tiyan. Malinis ang tubig,” ani Lydia Ramirez, residente sa Imus.
 
Halagang P500,000 ang ginugol sa isang buong makina na inimbento ni Harry Freires. Sa ngayon, libre na munang ipinagkakaloob sa mga residente ang makina.
 
“Pagtagal po ng panahon iiwanan na po ito nang tuluyan sa kanila ng Rotary Club, kapag nakita po namin na kaya na nilang i-maintain sa sarili nila,” ani Osie Ang, past district governor ng Rotary Club 3810.
 
Sa kalaunan, magbabayad din ang mga residente sa bawat galon ng tubig pero sa halagang mas mababa kaysa sa mga commercial water refilling station. Abner Mercado, Patrol ng Pilipino

10/09/2010 11:01 PMBookmark and Share

5 comments

BRING THIS SUBJECT

Of wrong grammar to the Ombudsman, Special Prosecutor, Sandiganbayan or SC. Let's see if they can corrupt the english grammar.

---------- Don't label me I am original! ----------

More english courses

Hey man, do not put down the schools and teachers for not speaking and teaching good "English" baga. We have the best teachers in the world, and furthermore, UP was a stepping stone to go abroad.

Shame shame shame...


More english courses

Ay naku, hindi na bago iyaN taglis or enlish carabao sa Pilipinas. Dapat kasi turuan yang mga ibang teacher na magsalita o sumulat ng straight english. Ang problema sa Pinas eh grammar. Pagdating sa America medyo inferior kasi hindi maexpress and sarili. Makapasalita ng english eh baloctot naman. Ayosin ninyo and English department ng mga paaralan dyan sa Pilipinas."PLEASE".

Taurusv

Wrong Grammar: "Machine-Teating Water"???

Who wrote this article?

It read: "Machine treating water." The water treats the machine?

It should read "Water-Treating Machine."


nakakalito?

parang eagle eating monkey!? hahaha

or monkey eating eagle!