Lugar ng Maguindanao massacre, tatayuan ng marker
Kasama ang pulis at mga sundalo, pinasok kanina ng convoy ni Governor Esmael Mangudadatu ang maalikabok na daan ng Barangay Salman dito sa bayan ng Ampatuan.
Pinapatag at pinaluluwag ang daan na noong nakaraang taon ay makipot at baku-bako. Tinubuan na rin ng mga damo ang lugar na kinatagpuan sa mga bangkay.
Sa tuktok ng burol, may itinatayong istraktura na ayon sa gubernador ay gagamitin sa anibersaryo sa Martes at viewdeck na din para sa sinumang gustong pumasyal at tingnan ang lugar na ito.
Inihahabol na maitayo ang isang marker para sa unang taon ng Maguindanao massacre sa Martes. Maglalaman ang marker ng pangalan ng mga biktima ng masaker. At ito'y itinayo sa gilid ng hukay kung saan 10 bangkay ang nakuha.
Ang marker na itatayo ang magsisilbing paalala ng lagim na nangyari sa lugar na ito.
Dito din nakuha ang mga sasakyan na inilibing, kasama ang mga biktima. Ang mga sasakyan ay nakaimbak ngayon sa regional office ng PNP sa General Santos City, kasama ang backhoe na ginamit sa paghuhukay ng libingan.
Halos isang taon na ang lumipas, pero sa pagdalaw dito nakakaramdam pa din ng kilabot ang magkakapatid na Mangudadatu.
Ayon kay Governor Mangudadatu, magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kamatayan ng kanilang pamilya kung makakamit ang hustisya.
Sa Martes, babalik sila dito upang pamunuan ang paggunita sa mga biktima ng November 23 Maguindanao massacre. Jorge Cariño, patrol ng Pilipino, Maguindanao.
11/19/2010 10:24 PM








Sis-in-law Raquel Fortun is consultant on Maguindanao case!
Dr. Raquel, the Philippines' foremost pathologist and the designated consultant on the Maguindanao massacre case, is the sister-in-law of the Ampatuan lawyer, Sigfried Fortun!
Is there an obvious conflict of interest here? Could it happen that Dr. Raquel's findings could somehow be surreptitiously provided to her husband's brother Sigfried? There's a lot of money involved here and, somehow, in the interest of fairness, justice, and personal ethics, one or the other should stand down and resign his/her position on the case!
Personally, I feel that Dr. Raquel need not resign from the case since she did not know that brod-in-law Sigfried would be the chief defense counsel of the dreaded Ampatuans! It has to be Sigfried who should quit on this case!
But, like I said, there's a LOT of money involved here (and Sigfried is sure to receive a big slice of that Big Bag) so he most likely won't quit his post!
There are lawyers, and there are lawyers, but Sigfried is in a class (or lack of it) by himself! And that's a crying shame! It will also be his undying legacy -- no shame at all!
Marker
Dapat kasama ang pangalan ng mga Ampatuan sa marker. Isulat ang "The killers, Ampatuans".