Davao Oriental, hinagupit ni 'Pablo'


Pinakamatinding tinamaan ng bagyong “Pablo” ang Davao Oriental. Dalawampung sundalo ang iniulat na nawawala sa Compostela Valley dahil sa landslide at flashflood. Sampu naman ang sinasabing namatay sa Kati-il, Davao Oriental, bagamat hindi pa ito kinukumpirma ng Office of the Civil Defense sa Davao. Sa Mati, Davao Oriental, pati bubungan ng evacuation center, tinangay ng malakas ng hangin. Live mula sa Davao City, nagpa-Patrol si Hernel Tocmo. TV Patrol, Disyembre 4, 2012, Martes

12/04/2012 9:35 PM