Gunmen still holding 57 hostages in Agusan del Sur


Hinostage ng kilabot na Perez group ang mahigit 100 tao sa Prosperidad, Agusan del Sur kaninang umaga para mapigilan ang planong pag-aresto sa kanilang lider. Ayon sa mga pulis, walang kinalaman ang hostage-taking sa Maguindanao massacre o sa halalan.

Nag-ugat umano ito sa away ng dalawang armadong grupo na responsable sa serye ng mga nakawan at patayan sa lalawigan. Patuloy naman ang negosasyon para mapalaya ang 57 pang bihag. Nagpa-Patrol, Israel Malasa. TV Patrol World, Huwebes, Disyembre 10, 2009

12/10/2009 11:24 PMBookmark and Share