Mayweather, makakaharap si Cotto sa Mayo 5
Inabot ng isang oras ang pagdinig sa aplikasyon ni Floyd Mayweather Jr. para sa panibagong boxing license sa Nevada.
December 31, 2011 pa kasi nag-expire ang boxing license ni Mayweather sa Nevada.
Anang isang commissioner: “You're an athlete who exhibits great discipline in the ring. Can you take that discipline that you use as an athlete and try to use it in your personal life?"
Unanimous ang naging desisyon ng limang commissioner para pagbigyan ang hiling ni Mayweather na muling makabalik sa ring. Pero, kailangang tuparin nito ang limang kondisyon na pinataw ng Nevada Athletic Commissioners.
Isa sa mga kondisyon ay siguradong ang pagpasok nito sa kulungan sa Clark County Detention Jail sa June 1 para pagbayaran ang sentensya sa kasong pambubugbog na kinasangkutan niya.
Ang lisensyang ibinigay kay Floyd ay para sa isang laban lamang, at ito ay para sa laban niya kay Miguel Cotto.
Pero, may mensahe pa rin si Mayweather kay Pacman.
"Tell him watch me and Miguel Cotto. I’m happy that I am my own promoter. There’s enough money to go around," aniya.
Kuntento na si Floyd Mayweather Jr. sa naging desisyon ng mga commissioners kaya't sa susunod na linggo puspusan na ang gagawin nitong paghahanda para sa laban nito kay Miguel Cotto sa Mayo 5 nitong taon. Bev Llorente, Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada
02/02/2012 10:01 PM







