Boksingerong hinimatay matapos ang laban, namatay


Namatay na ang boksingerong si Karlo Maquinto matapos itong ma-comatose makaraan ang kanyang laban noong Sabado.

Anim na araw rin siyang nakipaglaban para sa kanyang buhay, pero bumigay rin kaninang umaga.

Wala pang talo sa ring ang 21 taong gulang na si Maquinto.

Noong Sabado, nag-collapse siya matapos ang kanyang laban, na nauwi sa tabla.

Agad siyang dinala sa ospital, pero hindi na muling nagkamalay pa.

Iimbestigahan sa House of Representatives kung meron at kung sino ang dapat managot sa nangyari.

Isusulong na rin ngayon ang pagkakaroon ng insurance para sa mga boksingero.

Paliwanag ni Dr. Rhoby Orata ng FEU Hospital kaugnay ng naging kalagayan ni Karlo, “Sobrang pamamaga at the same time may isang malaking blood clot sa kanang parte ng brain. So, from the start, hindi na po maganda ‘yung lagay ni Karlo.”

02/03/2012 10:46 PMBookmark and Share