Donaire at Vazquez, nagkainitan sa face-off
Sa dambuhalang Alamodome Stadium ginanap ang press conference nina Nonito Donaire at Wilfredo Vazquez Jr.
Grand entrance ang mga boksingerong kasali sa dalawang world title fight sa Linggo.
Kasunod ang superstar ng Mexico Julio Cesar Chavez Jr. kontra Marco Rubio para sa WBC middleweight championship.
Diretsahang sinabi ng kampo ni Vazquez na mauuwi nila sa Puerto Rico ang korona.
Si Donaire, gigil na sa bakbakan.
Aniya, “No matter who you are, Puerto Rican, Mexican, Filipino, the one thing is when there’s challenge we take it with all the respect—that’s what boxing is all about.”
One hundred twenty four pounds na lang si Nonito kaya't wala siyang problema na makuha ang 122 pounds bukas sa weigh-in.
Sabi niya, “Ready to go. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga prayers at mga support niyo. At hopefully, panoorin niyo ang laban.”
Mainit na sagupaan ang inaasahan, pero karamihan sa mga boxing analyst ay pabor kay Donaire.
Ayon kay Dan Rafael ng ESPN, “I’m a big Nonito Donaire fan. I think it’s a good fight for him. It’s a good match.”
Patapos na sana ang press conference nang uminit ang eksena.
Nang mag-pose sina Donaire at Vazquez, inikot ni Vazquez ang cap na suot ni Donaire.
Tinanggal naman niya ang bonnet ni Vazquez at dito nag-umpisa ang tulakan at sagutan.
Matagal bago naawat ang dalawang mandirigma. Dahil sa insidente, lalong naging determinado si Donaire na talunin ang Puerto Rican.
Sabi ng asawa ni Nonito na si Rachel, “He could have asked Nonito to take his hat off, or asked him to move it to the side, but you don’t ever, even when in you’re in the street, you still never put your hands on another person. He knew what he was doing. They’re playing a little mind game. I don’t know what they think it’s gonna do.”
Paglabas ng stadium, natuloy ang sagutan ng asawa nina Donaire at Vazquez.
“Welcome to the Future” ang titulo ng fightcard na inaabangan ng boxing fans dito sa Alamodome.
Kailangan talunin ni Donaire si Vazquez para matupad ang hangad na maging undisputed champion ng 122 pound division. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino, San Antonio, Texas.
02/03/2012 10:38 PM







