Donaire nagwagi, inaming matibay si Vazquez
Aggressive kaagad si Nonito Donaire sa mga unang round. Halos walang sagot ang kalaban, si Wilfredo Vazquez Jr., sa round 3. Nasaktan ng The Filipino Flash ang Puerto Rican. Nakabawi nang kaunti si Vazquez sa kalagitnaan ng laban gamit ang epektibong mga jab.
Sa Round 9 umarangkada si Donaire. Nagbitiw siya ng left uppercut at hook combination. Bagsak si Vazquez. Nakabangon siya agad at umabot hanggang 12 rounds ang bakbakan. Panalo si Donaire via split decision. Siya ang bagong WBO superbantamweight belt.
Pagkatapos ng laban, inamin ni Donaire na nahirapan siya kay Vazquez at lumaban siya habang iniinda ang nasaktang kaliwang kamao.
“Nu'ng lumaban ako, siguro mga 2-4 rounds, napilayan talaga ako. Malaki sila, malaki,” sabi ni Donaire.
Bagamat masakit na masakit at namamaga ang kamay, diretso pa rin si Nonito sa victory party sa downtown San Antonio kasama ang kanyang team, kamag-anak at mga kaibigan. Nandoon din si apl.de.ap.
Nakabenda ang braso ni Donaire at sinimulan ang treatment sa kamay.
“Sabi nila, fractured daw. Nung nilinis, nakita nila na may buto doon. Didiretso ako ng training kahit masakit,” sabi ng boksingero.
Ang asawa ni Nonito na si Rachel, proud sa pinakitang tapang at galing ng asawa sa ring.
“I was really happy when he floored Vazquez. I don’t know, there was so much going on in this fight,” aniya.
Bukas babalik sa kanilang tahanan sa Las Vegas ang mga Donaire para ipa-check-up nang husto ang kundisyon ng injury. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino, San Antonio, Texas
02/06/2012 10:55 PM








▼ Video footage ng interview sa Lolo, tatay, kapatid nya▼
It is sad.
Malaki ang galit ng Lolo, Tatay, Kapatid nya
bec he forgot all about them.
Under de saya.
Video footage ng interview sa Lolo, tatay, kapatid nya
nakaka iyak...
http://wvw MatchWar com/Family-Donaire