Local matches ng Azkals sa ABS lang mapapanood
Muling pumirma ng kontrata ang Philippine Football Federation o PFF at ABS-CBN Sports.
Kaya naman patuloy ang eksklusibong pag-eere ng ABS-CBN sa lahat ng local matches ng Philippine Team Azkals sa susunod na 4 na taon.
Ang international matches naman ay eksklusibong ieere ng ABS-CBN sports simula 2013.
Masaya naman ang team manager ng Azkals na si Dan Palami at PFF president Nonong Araneta sa suporta ng ABS-CBN sa Philippine football.
Nagbigay-daan daw ang network para maengganyong maglaro ang mga Filipino-foreigners na naaabot ng The Filipino Channel.
02/09/2012 10:25 PM







