Miami Heat, binigo si Jeremy Lin at ang NY Knicks


Mabilis ang tempo sa umpisa pa lang ng game ng New York Knicks at Miami Heat sa Florida.

Inabangan muli ng basketball fans ang laro ng bagong NBA sensation Jeremy Lin kaharap ang team ni Lebron James.

Nauna sa mga fastbreak ang Miami at klaro ang todo-todong pagbantay kay Lin para mapigilan ang sikat na 'Linsanity.'
 
Naka-puntos lang si Lin sa first quarter, isang lay-up.

Lamang ang Heat sa first quarter.
 
Ang sikat na defense ng Miami ang nag-pressure kay Lin at sa Knicks.

Anim na turnover kay Lin.

Naka-score ang mga big men ng Miami kasama ang isang 3-pointer bago magtapos ang halftime.

Apat na puntos ang lamang ng Miami sa Knicks, 51-47.

Masaya ang hometown crowd sa Miami na napigilan ng kanilang team ang pambihirang Linsanity.

Kasama sa mga nanood si Floyd Mayweather Jr.
 
Hindi na nakabawi si Lin at ang Knicks. One out of 11 lang si Lin sa field, nagtapos ng may 8 points, 6 rebounds at 3 assists, malayo sa kanyang 22-point game average itong buwan na nagbigay ng 9-game winning streak sa Knicks.

Ang final score, panalo ang Miami Heat, 102-88 ang kanilang walong sunod na tagumpay.

Samantala, nag-file ng trademark license sa US patent and trademark office si Jeremy Lin para sa pangalang “Linsanity” na ngayo'y ginagamit sa buong mundo dahil sa biglang sikat niya. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino