Guirado ng Azkals, sumagot na sa reklamong sexual harassment

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Mula sa Nepal, sinagot ni Angel Guirado sa salitang Spanish ang sexual harassment complaint ni football match commissioner Cristy Ramos laban sa kanya at isa pang miyembro ng Azkals na si Lexton Moy.

Sinabi ni Guirado sa kanyang Twitter account na hindi niya maintindahan ang kayang gawin ng mga tao makakuha lang ng atensyon.

Normal lang daw para sa mga players ang naka-brief kapag nasa locker room bago ang game.

Giit niya, mabigat na paratang ang sexual harassment, kaya dapat daw kunin muna ang kanyang panig bago ilabas ang balita.

Ayon naman kay team captain Ali Borromeo, wala siya sa locker noong nangyari ang insidente pero naniniwala siyang walang intensyon ang players na bastusin si Ramos.

“Being part of the team and being the captain of the Azkals, we don't condone sexual harassment at all. Like I said, with Alex's words and Angel's, who can't speak a word of English, there was no harm intended to Cristy Ramos,” ani Borromeo.

Ayon kay Ali, sa walong taon niya bilang Azkals team captain, hindi sila nagkaroon ng problema sa match commissioner.

“Any match commissioner calls each player, the player goes up to her with an ID, and usually holding the jersey as well and presents what we have to present. Sometimes some players are not wearing any shorts,” paliwanang ni Borromeo.

Pero giit ni Ramos, hindi lang maingay kundi nabastos talaga siya habang nagsasagawa ng mandatory team inspection.

“They're not 13-year old kids, they're not 5-year old kids. They're in their early 20's, mid-20's, you know maybe some of the players are a bit older, so they should be mature enough to know what is proper behavior,” ani Ramos.

Inihahanda na ni Cristy ang mga dokumentong ipapadala sa Philippine Football Federation disciplinary committee bilang suporta sa kanyang reklamo.

Sa kabila nito, umaasa si Ramos na magiging maganda ang laro ng Azkals sa Challenge Cup sa Nepal.

Pero kahit kailan hindi raw dapat kunsintihin ang maling pagtrato lalo na sa mga kababaihan. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

03/07/2012 8:57 PM