Azkals, nag-coach sa mga bata

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Napuno ng mga super cute na chikiting ang Turf, Bonifacio Global City kahapon para sa football kids friendly game.

Nagpasiklaban ang mga bata sa takbuhan, agawan ng bola at unahan sa pagsipa ng goal.

Mismong mga Azkals players ang nag-coach sa mga bata. Kabilang na ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband para sa 10 and under team na Loyola Sparks, At sina Aly Borromeo, Jason Sabio, Anton del Rosario, Nate Burkey at Lexton Moy para sa Kaya FC 10 and under team.

Dahil sa tagumpay ng Azkals, maraming mga bata ngayon ang nahihilig sa sport na football at dahil summer, maraming mga football clinic, at kahit sa edad na 9 o 10 taon, magagaling na.

Dahil bakasyon na, maraming football clinic para sa mga bata sa Metro Manila at maging sa probinsya. Happy naman ang mga Azkals na nakakatulong sila para ma-develop ang susunod na henerasyon ng football stars.

“We enjoy hanging out with these kids, we enjoy them having a laugh. We really hope they go on to have a future in the sport,” ani James Younghusband.

“If they work, if they play well and if they have a good attitude, then they can earn a living through football,” sabi naman ni Phil.

Mas maaga magsimula sa football mas maganda para maging natural ang mga galaw.

“We want to get them more interested in the sport rather than teach them the technical stuff,” sabi ni Anton del Rosario.

Todo-suporta sa mga bata ang kanilang mga magulang na nanood ng tatlong mini-game.

Manalo man o matalo, ang mahalaga ay ma-develop ang mga bata sa laro. Maganda rin ang football para sa kalusugan at para manatiling active at healthy ang mga bata ngayong bakasyon. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

03/28/2012 11:01 PM