PH Volcanoes, panalo laban sa Sri Lanka

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

All-out ang suporta ng fans sa Philipine Rugby Team o Volcanoes sa finals kontra Sri Lanka. Sobrang pisikal ang game—balyahan talaga para makuha ang bola. Maraming na-injure na players.

Pilipinas ang unang naka-score sa tatlong penalty kick ni Oli Saunders, kaya 9-0 agad.

Naka-try pa ulit ang team captain na si Michael Letts, at may conversion kaya 16-0 ang score.

Kabilang sa mga nag-enjoy ng game ang magkapatid na Zobel—sina Jaime Augusto at Fernando.

“Our team is playing extremely well. It’s a tough game, their defense has to be strong, but we did a beautiful breakaway try. The talent that the Philippine team has is tremendous,” sabi ni Jaime Augusto Zobel de Ayala.

Napakaganda ng first half ng Pilipinas. Ang score pagkatapos ng unang 40 minutes, lamang ang mga Pinoy, 23-3.

Nakabawi naman ang Sri Lanka sa second half na sunud-sunod naka-score, hanggang maging 23-18 ang score.

Buti na lang, sa mga huling minuto ay nakawala si Justin Coveney at tumakbo sa endzone kaya naka-limang puntos ang Pilipinas. Dito nagtapos ang game. 28-18 ang final score.

Duguan ang ilang player pero balewala ito dahil sa sobrang saya ng panalo.

“This blood is for the country. I’m glad to do my part for the team. But this was a team effort. That try came because of all the hard work we all did," ani Justin Coveney.

Naging makasaysayan ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Five Nations Cup. Pasok na sila sa Premier League ng Asya kasama ang mga powerhouse team.

Pangako ng Volcanoes tuloy ang pakikipaglaban para sa Pilipinas sa rugby lalo na at all-out ang suporta ng Pinoy fans. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino.

04/23/2012 10:15 PM