Oklahoma Thunder pinadapa ang Miami Heat sa Game 1

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez ang kumanta ng US national anthem sa first game ng NBA Finals.

Nang magsimula ang laro, unang nagpasiklab ang Miami Heat. Agresibo at panay ang atake ng koponan ni Fil-Am coach na si Erik Spoelstra. Umulan ng three-point shots lalo na mula kay Shane Battier. Lamang ang Miami papasok ng second quarter. Dahil sa mga turnovers ng Oklahoma, umabot pa sa 13 ang lamang ng Miami sa agaw at dunk ni Lebron James.

Pero bumawi ang Oklahoma at hinabol ang lamang ng Miami sa tulong ng kanilang fastbreak points. Sa half time, pito na lang ang lamang ng Heat, 54-47.

Sa second half, tinabla ng Thunder ang laro, 60 all. Sa fourth quarter, nag-take over na si Kevin Durant, gumawa siya ng 17 points para lumamang nang husto ang Thunder, at tuluyang sungkitin ang panalo sa Game 1 sa score na 105-94.

“Those guys, they came on fire, they passed the ball well, locking down shots,” ani Kevin Durant.

“They beat us in their game. We will regroup, gather ouselves for a long series and we'll get better in Game 2,” sabi ni Spoelstra.

Sa Biyernes mapapanood ang Game 2 ng NBA Finals dito pa rin sa ABS-CBN Channel 2. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino, Oklahoma City

06/13/2012 10:01 PM