Labang Pacquiao-Bradley, susuriin ng WBO

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Tahimik man ngayon si Congressman Manny Pacquiao sa usapin ng kontrobersyal na Pac-Brad split decision, maingay pa rin ang kaliwa’t kanang kilos protesta at online petition dito sa America para ipaglaban ang paniniwalang si Pacquiao ang nanalo kontra kay Bradley.

Bago pa man ang Pac-Brad fight night matatandaang ikinakatakot na ng kampo ni Bradley ang maging desisyon ng mga judges ng hindi pag pabor sa kanila.

“Greatest fear? Not getting the decision at the end of the fight through the judges, beating Manny Pacquiao and walking out of the ring with no victory,” sabi ni Joel Diaz, coach at trainer ni Bradley.

Pero nag-iba ang ihip ng hangin dahil pabor kay Bradley ang naging decision.

Sa mga tweet ni Tim Bradley Jr., ninamnam nito ang panalo at pinaninindigan na siya talaga ang kampeon.

Pero ngayon, maging ang World Boxing Organization (WBO), rerepasuhin na rin ang labang Pac-Brad.

Ayon kay WBO President Francisco "Paco" Valcarcel, susuriin nilang mabuti ang video ng Pacquiao-Bradley at irerekomenda ito ayon sa alituntunin ng WBO.

Pero klinaro rin ni Valcarcel na ‘di niya pinagduduhan ang kapasidad ng tatlong hurado sa gabi ng laban nina Pacquiao at Bradley.

Sa isang text message na ipinadala ni Top Rank CEO Bob Arum, sinabi niyang kailangan ng paglilinaw dahil sa sigaw ng publiko, at kailangan imbestigahan ang sinumang responsable. Bev Llorente, Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada

06/14/2012 9:35 PM