Heat tinalo ang OKC sa game 4 ng NBA finals

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Mainit ang simula ng Oklahoma City Thunder.

Lumamang sila agad ng 17 puntos.

Pero sa second quarter ay naghabol ang Heat at naibaba ang lamang sa tatlo, 49-46 sa halftime.

Sa third quarter, shootout ng mga superstars ng dalawang team.

Tig-10 puntos sina LeBron James, Dwyane Wade at Kevin Durant, at walo naman si Russell Westbrook.

Lumamang na ang Miami sa fourth quarter pero kumamada ng 11 puntos si Westbrook para itabla ang score, 90 all.

Sa sumunod na play, tinamaan pa ng pulikat sa James.

Sandali itong umupo pero agad ring bumalik at tumikada ng 3-point shot na sinundan ng lay-up ni Wade para iangat sa 99-94 ang lamang ng Heat.

Hindi na hinayaan pang makadikit ng Miami ang Thunder para manalo, 104-98.

Lamang na ang Heat ng 3-1 sa serye.

“Whatever it takes, no excuses. You don’t want to leave this arena saying you missed the opportunity. No matter what was going on in the game, we believed in ourselves, we believe in each other. You can see that on offense. I gave the ball up to Rio a few times, I didn’t take all the shots and we got to win,” sabi ni Wade.

Ayon naman kay Fil-Am coach Erik Spoelstra, focus pa rin ang kailangan para makuha ang titulo.

“I think we'll be able to stick to each other and focus on what we need to do to get to the next game. We're going to have to really fight and earn this,” sabi ni Spoelstra.

Mula pa noong 1985, wala pang nakakabawi sa NBA finals ng naghahabol ng 1-3.

Alam naman ng Heat na kung papayagan pa nilang manalo ang Thunder sa game 5 ay delikado pa sila sa games 6 at 7 na gaganapin sa Oklahoma.

Kaya't maasahan ng mundo na ibibigay ng Miami ang lahat para maging kampeon na rito sa kanilang homecourt. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino, Miami, Florida
 

06/20/2012 10:43 PM