'Heat hindi magiging kampante sa Game 5'


Matapos ang ikatlong sunod na panalo ng Miami Heat kahapon sa 2012 NBA finals, marami ang gustong malaman ang lagay ng isa mga star player ng koponan na si LeBron James.

Matatandaang pinulikat si LeBron sa dulo ng Game 4 at hindi na nakabalik sa laro.

Ayon sa star player, gumaganda na ang pakiramadam niya.

“I feel a lot better than I did last night. I'm able to walk up here, even better than I did last night when I talked to you guys. I'm still sore. I was able to get some treatment last night,” sabi ni LeBron.

Aminado naman si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook na kahit nakagawa siya ng 43 points kahapon ay malaking pagkakamali pa rin ang i-foul si Chalmers sa huling 13 segundo ng laban na nagbigay lalo ng panalo sa Heat.

“I forgot that you get five seconds once the jump ball occurred again, and I just forgot, just a mental error on my part,” sabi ni Westbrook.

Ayon naman kay Fil-Am coach Erik Spoelstra, hindi niya hinahayaan ang team niyang mag-relax.

“It’s Game 5 but we are going to treat it like it’s Game 7. But we are preparing for Game 5 to protect our home court and to take care of our business,” sabi ni Spoelstra.

Mahapdi pa rin ang mga sugat ng Heat mula sa pagkatalo nila sa NBA finals kontra ang Mavericks sa harap ng kanilang fans dito sa Miami noong isang taon.

Ngayong lamang sila 3-1 at iisang panalo na lang ang kailangan, wala na raw mas sasarap pa ng mabura ang bangunugot na iyon at sa harap mismo ng kanilang libu-libong fans ay mahirang na sila bilang NBA champions. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino

06/21/2012 11:06 PM