Miami Heat kampeon na sa NBA


Sa simula pa lang, agad lumamang ang Miami Heat gamit ang balanseng atake at matinding depensa. Nagtapos sa  31-26 ang first quarter.

Sa second quarter, kumamada na si Lebron James at lumobo na rin ang lamang nila.

Sa third quarter, nakadikit ang Thunder sa limang puntos.
 
Pero matapos noon, nagpaulan ng three-pointers ang supporting cast ng Heat na sina Mario Chalmers, Shane Battier, Chris Bosh at Mike Miller.

Lumobo sa 26 points ang lamang nina James. Mula noon, hindi na nakabawi ang Thunder.

Natapos ang laro sa score na 121-106. Ito ang unang championship ng Big Three ng Miami. Finals MVP si “King James.”

“I strive on being a team player, doing whatever it takes to help this team win, but at the same time, I use it as motivation. I’m happy that I was able to make enough plays to put ourself in a position to win this championship,” sabi ni James.

Pinuri naman ni Heat president Pat Riley ang kanyang Fil-Am coach na si Erik Spoelstra.

“All these guys back here have put it on the line, and for the head coach, Erik Spoelstra, he did a job. I've got his tie right here. I'm wearing his tie,” sabi ni Riley.

Si Coach Spo naman, aminadong si Pacquiao ang inspirasyon para sa team na hindi sumuko.

“Well, everybody knows I'm a Manny Pacquiao fan. There are quite a few competitors that our guys can relate to in that sport. We got knocked down to the canvas two or three times this playoff run, but the thing that matters, we got up and we kept on working,” sabi ni Spoelstra.

Ang ama ni Coach Spo, ang dating NBA executive na si John Spoelstra, naandon din, at proud na proud daw siya sa anak niya.

“This is just terrific. When he became head coach, I probably thought he had the ability to be a champion coach,” sabi ni John.

Ngayong nakamit na ng Heat ang inaasam nila, mahahanay na rin ang kababayan nating si Fil-Am coach Erik Spoelstra bilang isa sa mga NBA champions. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino, Miami, Florida