Allado binawi ang mga bintang sa PBA


Pinagpaliwanag kanina ng PBA si Don Allado tungkol sa kanyang mga akusasyon na talamak ang lutuan ng mga laro sa liga.

Pagkatapos ng isang oras na pakikipag-usap kay Commissioner Chito Salud sa isang closed-door meeting, humingi ng paumanhin si Allado at binawi ang kanyang mga paratang.

“It was not my intention to bring the name of the PBA into all of this. My frustrations got the best of me. It was frustrations towards the referees, frustrations on missing out on bonuses, frustrations on my contract expiring. There is no game-fixing in the PBA, there never was. I’m sorry for what happened and I hope the fans and everyone around me can forgive me for what happened,” sabi ni Allado.

Ayon kay Salud, tinanggap na niya ang paghingi ng tawad ni Allado pero kailangan siyang parusahan.

Pinagmumulta siya ng P500,000 at suspendido rin siya ng isang conference.

May panawagan din si Salud sa mga player.

“Twitters, Facebooks clearly public. Players, coaches, be more circumspect, be more cautious. Use this media to promote the league. This is your source of livelihood,” sabi ni Salud.

Pinag-iisipan na rin ng Barako Bull team management ang aksyon nito kay Allado.

“The Barako Bull management does not tolerate this kind of action,” sabi ni Raffy Casio, team manager ng Barako Bull. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino

07/05/2012 9:34 PM