Paquiao pupuntang Amerika para sa press tour
Ipinakita ng dating IBF World Minimum Weight Champ na si Florante Condes ang kanyang bagsik kay Sofyan Efendi ng Indonesia.
Isang solid na uppercut mula kay Condes ang nagpatumba kay Efendi sa 6th round.
Natapos ang 8-round match at panalo ang Pinoy via unanimous decision.
Hindi naman pinatagal ni Jimrex "The Executioner" Jaca ang laban sa Mexicanong si Pipino Cuevas Jr..
Tatlumpu't walong segundo na lang ang natitira sa first round nang pabagsakin niya si Cuevas sa pamamagitan ng left uppercut.
Hindi na nakatayo pa ang Mexicano at tinigil na ang laban.
Undefeated pa rin ang Pinoy na si Milan “Milenyo" Melindo nang bigyan ng left uppercut ang Koreanong si Jin-man Jeon sa second round. May record na si Melindo na 22 wins with seven knock-outs!
Kontrobersyal naman ang pagtapos ng laban nina Boom-boom Bautista at Alejandro Zorrito Barrera.
Matindi ang bakbakan mula first round. Sa third round lipad ang mouthpiece ni Barrera at laban pa rin si Boom-boom. Sa fourth round naging duguan si Barrera.
Ang akala noong una, dahil ito sa head butt pero idineklara ng referee na sanhi ito ng legal blow kaya't panalo si Boomboom via TKO.
Nag-protesta ang Mexikano kaya pumayag ang ALA Promotions ng rematch sa 2011.
Pupunta namang Amerika si Manny Pacquiao mamaya para sa press tour ng laban niya kay Antonio Margarito sa November 13.
Sa Dallas Cowboys Stadium ang bakbakan matapos mabigyan ng boxing license si Margarito sa Texas.
Ang press tour ay magsisimula sa Los Angeles tuloy sa New York at saka sa Dallas Texas.
Dito muna sa Pilipinas mag-eensayo si Manny bago lilipat ng training sa Amerika pag malapit na ang laban. – Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino
08/30/2010 11:00 PM







