Pacquiao pag-asa ng Pinoy sa madurong hostage crisis


Dumagsa ang Pinoy sa Chelsea Piers sa New York, para personal na makita ang kanilang idolong si Manny Pacquiao. Dumating doon ang Pinoy boxing superstar kasama ang kalabang si Antonio Margarito para sa pangalawang leg ng promo tour ng kanilang laban.

"The Tijuana Tornado" ang tawag kay Margarito habang "The Congressman" naman ang bagong palayaw ng boxing world kay Pacman.

Umaasa ang mga Pinoy na muling mapapaganda ni Manny ang imahe ng Pilipinas sa mundo matapos ang madugong hostage crisis.

Ayon kay Manny, pinag-aaralan na nila sa Kongreso kung ano ang dapat baguhin para hindi na maulit ang nangyaring trahedya sa Quirino Grandstand.

“Iniimbesdtigahan natin kung kailangan iyong pag-reporma o training o dapat baguhin ang estilo ng ating pulis, especially our PNP na maraming pagkukulang,” ani Pacquiao.

Hindi naman nakadalo ang big boss ng Top Rank na si Bob Arum sa promo tour.

Lumipad si Arum papuntang Seattle matapos mabalitaang nawawala ang kanyang anak.

Pinaghahanap na ngayong ng search and rescue team si John Arum na nawala habang umaakyat ng bundok.

Inamin naman ni Margarito na pinaghahandaan na niya ang laban nila ni Pacman, katunyan todo ensayo na siya ngayon.

Plano ni Margarito na unahan ang mga atake ni Manny at sanggahin ang mga suntok ng Pinoy champion.

Itong Biyernes, sa Dallas, Texas naman magpupunta ang press tour nina Manny. – Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

09/03/2010 2:20 AMBookmark and Share