Pacquiao aminadong mahihirapan kay Margarito
Pinakamahirap na laban sa kanyang boxing career! Ganito inilarawan ni Manny Pacquiao ang laban kay Antonio Margarito.
Ito'y matapos makasama ang Mexikanong boksingero sa 3-city promo tour sa Amerika.
“Matangkad. Parang matangkad pa siya kay Dela Hoya eh. Okay lang, pag-aralan nating mabuti,” ani Pacquiao.
Abot sa 5’10” ang taas ni Margarito, habang 5’6” lamang si Manny. Mas mahaba rin ng 6 centimeters ang reach ni Margarito sa kanya.
Unang beses din ito para kay Pacquiao na lumaban sa timbang na 151 pounds, pero ang habol ni Pacman ay masungkit ang bakanteng WBC superwelterweight belt.
Habang nakatutok ang pansin ni Pacman kay Margarito, patuloy ang pang-iinsulto ni Floyd Mayweather Jr. sa kanya.
Ayaw naman na itong patulan pa ni Manny.
“Ayaw ko patulan iyong mga uneducated na pahayag ni Mayweather,” ani Pacquiao.
Binatikos naman ng sports media ang below the belt at "racial slur" ni Mayweather kay Pacman, dahilan para mag-sorry ang boksingero.
Magsisismula na sa pag-jogging si Manny ngayong linggo na susundan ng puspusang training para sa laban niya sa Nobyembre. – Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino
09/06/2010 11:21 PM




Mayweather nognog..
Kala siguro ni mayweather ang guwapo niya no..hehehe kaya dinadaan nalang sa pang aasar kasi ang laki talaga ng takot niya kay manny..baka kasi kung matalo siya ni manny ay hindi niya matanggap at masiraan siya ng ulo heehe..di pa nga natatalo para ng baliw sa mga sinasabi niya, nag post sa youtube..hehehe
Pacquiao is wiser...
Somehow, I feel that Manny is more educated than Floyd...
LOL. I think this is not the
LOL. I think this is not the hardest fight of Pacquiao's career. His hardest fights were versus Marquez. This one is a staged game. It will be all Manny Pacquiao. All Margarito needs is money for his retirement.