Azkals advance to Suzuki Cup semis
Watch the latest episode of Bandila also in iWantv or TFC.tv

Pasok na ang Pilipinas sa semifinals ng 2012 AFF Suzuki Cup sa Bangkok, Thailand. Tinalo ng Philippine Azkals ang Myanmar White Angels, 2-0, sa kanilang huling group match kanina. Sa second half, nakalusot si Phil Younghusband sa depensa ng Myanmar. Pasok sa goal ang kanyang sipa. At sa injury time, naka-iskor pa si Angel Guirado. Nagtapos ang mga Pinoy sa ikalawang puwesto sa Group A. Kasama nilang uusad sa semifinals ang Thailand. Bandila, Nobyembre 30, 2012, Biyernes

12/01/2012 1:46 AM