Pacman ka-chika si "Puck" ng Glee sa Boracay


Umalis kaninang hapon ang Pamilya Pacquiao para magbakasyon sa Japan at Australia.

Masaya ang Pasko ni Pacman sa Boracay kasama ang pamilya.

Dito nakita ni Manny ang “Glee” star na si Mark Salling na nagbabakasyon din sa Bora.

Ayon kay Pacman, nakapag-relax sila at nag-bonding ng pamilya.

"Nag-banana boat and then nag-scuba-diving," sabi ng boksingero.

Dadalhin ni Manny ang kanyang pamilya sa Disneyland.

First time ng mga Pacquiao sa Japan.

Sa Australia naman magba-Bagong Taon ang pamilya.

Sinasamantala ni Manny ang panahon kasama ang mga mag-iina bago sumabak sa trabaho sa Kamara at ensayo para sa susunod na laban.

Makakaharap ni Manny sa May 7 sa Las Vegas ang American boxer na si “Sugar” Shane Mosley.

Ngayon pa lang, walang tigil ang mga kumento ng mga boxing writers at mga fans sa Facebook at Twitter. Matanda na raw si Mosley at hindi karapat-dapat na makalaban ni Pacquiao.

"Nakipag-negotiate na si Bob Arum and then last time na nakausap ko si Arum, malaki ang posibilidad na matuloy iyong Mosley..." sabi ni Pacquiao.

"Magiging mabigat iyong laban. Magaling din si Shane Mosley," dagdag niya.

Una nang sinabi ni coach Freddie Roach na  hindi madaling kalaban ang dating 3-time world champion dahil sa malawak na karanasan nito sa boxing ring.

Sa Marso sisimulan ni Pacman ang training para sa laban kay Mosley. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino