Too many new nurses, not many jobs available - Pat A. Sto Tomas
Kung inyong sinusubaybayan ang mga balita sa araw-araw, marahil ay inyong maaalaala na early this February ay inilabas ng Professional Regulations Commission o PRC ang resulta ng Nursing Board Examination na ginanap noong December 2009. Ayon sa PRC, umabot ng 37,527 out of 94,462 or 39.72% na kumuha ng examination ang pinalad na pumasa.
Kung ang daming ito ng successful examinees ay idagdag sa 32,817 nurses na pumasa noong June 2009 Nursing Board Examination, ang kabuuan ng mga bagong lisensyadong nurses sa ating bansa for the year 2009 ay aabot sa 70,344 new licensed nurses.
Ang daming bagong mga nurses ano? Subalit hindi lamang ito. Kung ating pagsasama-samahin ang kabuuang nurses na pumasa sa board examination sa nakalipas na limang taon, magugulat kayo sa dami ng mga medyo bagong mga nurses na lisensyado sa ating bansa.
Noong 2008, may kabuuang 67,220 ang pumasa sa Nursing Board Examination; 60,199 noong 2007; 37,533 noong 2006; at 25,951 noong 2005. Ang suma total ng mga pumasa sa Nursing Board Examinations at naging lisensyadong nurses sa nakalipas na limang taon ay umabot na sa 261,247 licensed nurses.
Saan na kaya ang mga ito? Sila ba ay nakapagbigay kasiyahan sa kanilang mga sarili at katuparan sa mga pangarap ng kanilang mga magulang na siguradong marami sa mga ito ang nagpakahirap mapagtapos lamang sila ng pag-aaral?
Hindi ko alam kung ano ang employment status nitong mahigit sa 200,000 na mga bagong nurses. Subalit ito ang ilan sa mga tunay na sitwasyon sa ating kapaligiran na maaaring magbigay sa atin ng ideya tungkol sa kanilang employment situation.
Una, hindi naman gaano kadami ang mga hospital sa bansa. Sa kabuuan mayroon lamang tayong mga dalawang libong hospitals sa buong bansa at assuming on the average na ang isang hospital ay kayang mag-employ ng may kabuuang na mga 75 nurses, lumalabas na ang employment capacity ng ating mga hospitals sa buong Pilipinas ay aabot lamang sa mga 150,000 nurses.
Dahil sa ang karamihan sa mga positions na ito ay occupied na rin, kung mayroon mang mga bakante na pwedeng pasukan ng mga bagong pasang mga nurses ito marahil ay may mga ilang libo lamang sa kabuuan. Ibig sabihin posibleng mga mahigit sa otsenta porsyento ng ating mga bagong licensed nurses for 2009 ay maaaring walang mapasukang trabaho sa ating mga hospitals.
Ikalawa, nakasaad sa batas na ang bawat munisipyo ay dapat mayroong health service facilities na pinapatakbo ng mga nurses at doctors at posibleng mga midwives pa bilang dagdag na mga tauhan.
Subalit mayroon lamang tayong 1,497 municipalities sa buong bansa at posibleng ang ilan dito ay walang kakayahang pinansyal na patakbuhin ang kanilang mga health service facilities kung mayroon man. At kung sakaling mayroon nga malaki ang posibilidad na ang nurse positions sa mga ito ay filled up na rin. Kung sakaling may mga bakante man baka ito ay hindi pa aabot sa mga isang daan na positions.
In short, ang local employment opportunities for licensed nurses ay masyadong limitado. Kaya marami sa bago nating lisensyadong mga nurses ang sigurado ay walang mapapasukang trabahong nurse dito sa atin. Dahil dito hindi nila mabibigyang kasiyahan ang kanilang sarili bilang mga bagong professionals. At lalo nang hindi mabigyang katuparan ang pangarap ng mga magulang na nagpakahirap mapag-patapos lamang sa nursing course ang mga anak. Kung kaya sa marami sa ating mga new nurses ang nalalabing alternatibo ay overseas employment.
Kung sabagay, marami naman talaga sa ating mga magulang ang nagdedesisyon na pakuhanin ng nursing course ang anak dahil nga sa paghihikayat ng overseas employment dala ng may kalakihang pasahod kung ihahambing sa local employment. At totoo nga naman sapagkat maraming pamilya ang ating nakita na gumanda ang buhay dahil sa ang anak na nurse ay napunta sa ibang bansa upang magtrabaho.
Subalit, gaano ba kadali para sa isang bagong pasa sa nursing board examination ang maka-alis bilang OFW na nurse?
Sa sitwasyon ngayon medyo may kahirapan para sa isang bagong pasa sa nursing board examination ang kaagad ay makaalis upang magtrabaho abroad bilang nurse. Ito ay dahil sa halos lahat ngayon ng mga foreign hospitals ay nagre-require ng two years hospital experience sa mga aplikante.
Ibig sabihin dapat ang bagong nurse ay magtrabaho muna dito sa atin ng mga dalawang taon upang magkaroon ng hinahanap na karanasan upang magkaroon ng maayos na oportunidad na makuha o ma-qualify for overseas employment.
Subalit nang dahil sa nabanggit ko sa itaas na kahirapan na kumuha ng local employment dahil sa kaunti lang naman ang mga hospitals dito at sobra-sobra ang dami ng mga licensed nurses na nais magtrabaho lumalabas ngayon na ang overseas employment ay hindi na available alternative for our new nursing graduates.
Kaya tuloy marami sa ating mga bagong nurses ay nagna-night duty pa rin. Kaya lang, hindi sa mga hospitals – sila ay nagdu-duty sa mga Call Centers. At kung sakali man na sila ay masuwerte nga na makapag-night duty sa hospital nga bilang nurse, ito ay possible bilang isang trainee nurse kung saan ang kanyang pagte-training ay kanyang binabayaran pa imbes na sana ay ang hospital ang magbibigay sa kanya ng allowance bilang trainee at nagseserbisyo sa hospital.
Nabaligtad na ang sitwasyon sa kasalukuyan.
At para bagang sinasamantala naman ng mga hospital operators ang ganitong sitwasyon. Sabi nga ng isa kong kakilala na ang anak niya ay pumasa sa nursing board last December at nais magkaroon ng required hospital experience na hihihingi ng recruiter upang ito ay mag-qualify for overseas employment., Ang anak niya ay magsisimula ng mag-hospital duty sa May bilang nurse trainee for 6 months but after paying a training fee of P6,000 para makapag-participate sa training program ng nasabing hospital.
Sobra na ang dami ng ating mga licensed nurses subali’t limitado ang employment opportunities.
Kaya sa mga magulang na may mga anak na magtatapos sa High School ngayong taon at nag-iisip na ito ay pakukuhanin ng nursing course, iminumungkahi kong inyong pag-isipan ang mga bagay na ito. Tingnan ang ibang posibleng opsyon sa mga bata.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.
education reforms
napaka-dali po kasing mag-open ng nursing program o kahit iba pang degree program dito sa pilipinas. isang dahilan nito ay ang madaling general education curriculum sa kolehiyo na replay lang ng maraming subjects na dapat ay natalakay na nang tama sa high school. madali lang na dagdagan ang GEC ng a few introductory nursing subject sa at presto, may nursing program ka na. nahahanapan kasi ng paraan ng mga school na hindi sundin ang standards. tapos, mataagal ipatupad ang pagsasara ng mga sub-standard schools. dinadaan pa kasi sa pakiusapan at binigiyan ng ilan pang taon para mag-comply.yung ibang schools, tanggap lang nang tanggap ng estudyante kahit na yung mga kapos sa utak. sa pag-aaral po kasi kailangan po talaga ng talino. ang problema, pati yung kulang sa talino ay pinapayagan. buhay ng tao ang inaalagaan ng nurse. may minimum standard of talino rin sana sa pagiging nurse. kayo, gusto ba niyong bopols ang magturok ng injection sa inyo?
Hyphocrites
Naku tama ka Pat tumpak at napakaganda ng topic mo pero hindi mo yata nabanggit yung ka impokrituhan ng mga pilipinong nagsabing nagkakaroon tayo ng :BRAIN DRAIN: dahil nagaalisan ang mga nurses natin papuntang abroad.: Talangka mentality talaga ng mga pilipino ay walang kasukat, sa halip na maghanap ng sulosyun sa problema ay hihilahin pababa ang mga kababayan na umaasenso. tulad nito dapat pagtuunan ng mga mambabatas at negosyante at paaralan ang problema sa job experience ng mga newly qualified nurses. HANAPAN NG PARAAN KUNG PAANO MAGKAKAJOB EXPERIENCE. Dahil limpak limpak na dolyares ang papasok sa bansa kapag nakapagtrabaho bilang nurses at mga ito. Tulad ng asawa ko sya ay nurse dito sa UK napakarami nang pera ang ipinasok namin sa pilipinas. marami pang bansa ang kulang sa nurses yan ang katotohanan. You DOnt Kill the Patient just to solve the problem just find the Medicine( because the patient could be a doctor himself).
Pansin ko lang
karamihan kasi sa ating mga pinoy hindi magaling sa business, kung gusto mo yumaman boksing ka na lang hahaha (biro lang po), I think mga skilled workers ang boom ngayon especially abroad ok pa ang kita.
More supply than demand
What is a good college course to take that will ensure a steady and good paying job in PI? When I left PI some 30 years ago, the popular courses then were Commerce, Law,Engineering, Medicine, Liberal Arts and Sciences. I don't recall Nursing Courses as one of the more popular college courses then. WE had a proliferation of lawyers back then, so much so that the expression "mamera lang ang mga abogado" (Lawyers are a dime a dozen) became popular.
meaning government na inutil
meaning government na inutil kaya mga mamamayan ang nag-iisip manigbangbansa na lang!