Karangyaan o kapahamakan (part 2) - Pat A. Sto Tomas

Posted at 08/30/2009 12:00 AM | Updated as of 08/29/2009 11:58 PM

Noong nakaraang buwan tayo ay ginulantang ng isang napakalungkot na balita tungkol sa pagkamatay ng sampung OFWs ng mag-crash ang kanilang sinasakyang helicopter doon sa Afganistan. Nang marinig ko ang balitang ito kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungang: Bakit ganoon? Hindi ba may existing ban sa pag-deploy ng mga OFWs sa Afghanistan at sa ilan pang mga bansa na may serious security problems? Paano sila nakapunta doon?

Totoong may existing ban sa deployment ng mga OFWs sa Afghanistan. Ang pagbabawal na ito ay bilang pagbibigay proteksyon ng ating pamahalaan sa ating mga OFWs na maaring maging biktima ng mga karahasan o di kaya pag nagkaroon ng sagupaan ang mga pwersa ng pamahalaan at ng mga kalaban nito o ng aksidenteng militar katulad nga ng nangyari sa sampung OFWs sa Afghanistan. Kaya katulad ng aking sariling katanungan ang tanong kaagad sa akin ng isa kong kakilala ng lumabas ang balitang ito ay: papaano nakapunta sa Afghanistan itong mga biktima ng helicopter crash gayong may deployment ban for OFWs doon?

Well, alam naman natin na tayong mga Pilipino ay talagang ma-abilidad at magaling magbigay katuparan sa mga minimithing bagay. May kasabihan nga na “If there is a will, there is a way” o sa ating salita “kung may pagnanais, may kaparaanan”. Ayon sa aking napag-alaman, karamihan sa ating mga manggagawang Pinoy sa Afghnistan ay umalis dito sa atin bilang mga turista patungo sa mga karatig bansa ng Afghanistan at mula doon ay tumuloy na sa Afghanistan sa tulong ng kanilang employers o kasapakat na mga recruiters. Ibig sabihin sila ay umalis na hindi dokumentado sa POEA bilang OFWs at dahil dito sila ay hindi magiging lihitimong miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA. Ito ay mangangahulugan na ang kanilang mga pamilya ay walang maaasahang benepisyo na maaring makuha sa OWWA kung sakaling may mangyari sa kanila habang nagta-trabaho sa ibang bansa.

Ang ilan naman sa mga kababayan natin sa Afghanistan ay umalis dito sa atin bilang mga lehitimong OFWs. Subalit ayon sa record ng POEA ang kanilang patutunguhan ay mga bansa sa Middle East at hindi sa Afghanistan dahil nga sa may ban sa deployment doon. Ang ibig sabihin, ginamit lamang ng kanilang mga recruiters ang mga job openings kuno sa ilang bansa sa Middle East upang sila ay makaalis at mula doon sila ay tutuloy na sa Afghanistan. Ang pamamarang ito ay paglabag sa alituntunin ng POEA tungkol sa deployment ng mga OFWs. Kaya kahit na ba recorded bilang lehitimong OFWs ng umalis dito sa atin kung sakaling may mangyayari sa mga ito habang nagtatrabaho doon ang kanilang mga pamilya ay mahihirapan pa ring mag-claim sa mga benepisyong dapat ibigay sa mga lehitimong miyembro ng OWWA. Ito ay hindi dahil sa ayaw lamang ibigay ng mga namamahala ng programa ang mga naturang benepisyo. Ito ay dahil sa sila naman ay dapat sumunod din sa mga alituntunin at mga requirements sa ilalim ng mga umiiral na mga batas. Kaya lagi ko na lamang sinasabi sa ating kolum na tayo ay susunod sa mga alituntunin ng pamahalaan tungkol sa overseas deployment ng mga OFWs at ng sa gayon tayo naman o ang ating mga pamilya ay hindi mapeperwisyo ng lubos kung sakaling mayroong mangyayaring hindi maganda habang tayo ay nasa ibang bansa. Ayon sa mga report, itong sampung mga OFWs na namatay ng mag crash ang kanilang sinasakyang helicopter ay umalis ng lehitimo dito sa atin patungong Afghanistan ng wala pa yong deployment. Ang nangyari, ng ipagbawal na ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Afghanistan, ang mga ito ay hindi na umuwi dito sa atin at namalagi na lamang doon sa takot na sila ay hindi na makakabalik pa sa kanilang maayos na trabaho na nagbibigay naman ng mataas na pasahod. Sapagkat two years lamang ang membership coverage sa OWWA tuwing aalis ang isang lehitimong OFW ang kanilang OWWA membership at deprivation of OWWA benefits.

Kung sabagay sa kaso nitong ating mga kababayang nasawi sa helicopter crash, mahirap din nating masabi karaka-daka na sila ay nagkamali sa pagdesisyon na manatili ng matagal sa Afghanistan. Sa hirap nga naman ng buhay dito sa atin at sa baba ng pasahod sino ba naman ang hindi mahihikayat na makipagsapalaran lalo na kung ang buwanang sahod na ino-offer ay halos katumbas na o higit pa sa kinikita mo ng kalahating taon dito sa atin. In a sense, ang offer ay isa ng pagkakataon upang makamit sa maikling panahon ang mga pinakamimithing pangarap para sa pamilya lalo na ang pag-aaral ng mga anak. Sa tingin ko kahit sino man ang nasa ganoong sitwasyon ay maaring mahikayat at makumbinsing tumigil na lamang doon upang maiwasan ang deployment ban at mag-apply at tanggapin ang mga sinasabing job openings kahit na ito ay mangangahulugan pa ng paglabag sa mga nakasaad na alituntunin ng ating pamahalaan katulad ng deployment ban. But in a sense, ang pagdedesisyon sa ganitong sitwasyon ay para bagang pagpili kung alin sa dalawa ang ating gusto: kasaganahan o kapahamakan?

Totoo nga na malaki ang ating kikitain at sa maiksing panahong tayo ay maaring makaipon ng sapat para sa pangangailangan ng ating pamilya. Posibleng ito na ang pagkakataon upang ating makamit ang ating mga pangarap sa buhay. Subalit posible din na ang mga pangarap na ito ay hindi magkakaroon ng kaganapan at ang masaklap pa ay maaring ito pa ang maging dahilan ng pagkahiwalay natin ng lubusan sa ating pamilya. Kaya ang tanong: Kasaganahan ba o kapahamakan?.

Iiwan ko sa ating mga nagnanais maging OFWs ang pagdedesisyon sa katanungang ito. Subalit kung ako ang malalagay sa ganitong sitwasyon nanaisin kung sumunod sa mga alituntunin ng ating pamahalaan at huwag magbakasakaling pumunta sa isang bansang may deployment ban. Mahalaga para sa akin ang aking kaligtasan alang-alang sa kinabukasan ng aking pamilya. Hindi bale ng maliit ang kita basta ang kaligtasan ko naman ay hindi mamimiligro at mahabang panahon pa ang maibigay ko sa aking pamilya. Ang masasabi ko lamang sa ating mga taga subaybay: pag-isipan lagi at pag-isipan ng mabuti kung sakaling kayo ay malagay sa ganitong sitwasyon. Pag-isipan ng husto kung ano ba talaga ang nais sa buhay: Karangayaan na maaring mag-dulot din sa atin ng kapahamakan o yong normal na pamumuhay lamang kung sahod sa trabaho ang pag-uusapan subalit hindi naman malalagay sa peligro ang ating buhay.

Bago tayo magwakas nais ko lamang bangitin na sa sampung biktima ng helicopter crash so far dalawa pa lamang ang na-identify. At doon sa mga pamilya ng mga namatay nating mga kababayan please mag-iingat kayo sa mga lalapit sa inyo na diumano ay magpre-presintang tutulong upang makuha ninyo ang mga benepisyong ino-offer ng employer. Mabuti at mabait naman yung kumpanya at mayroon silang benefits program katulad ng life insurance para sa mga OFWs. Malaki ang maitutulong nito sa pangangailangan ng pamilya ng nasawi. Kaya nga lang ay mayroon namang tayong mga mapagsasamantalang mga kababayan na tutulong diumano subalit ang intensyon pala ay kumuha ng kumisyon doon sa makukuha na benepisyo ng pamilya. Kaya katulad ng payo ni Vice President Noli de Castro, umiwas sa mga ito. Pag may lumapit sa inyo na hindi lehitimong representante ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng inyong ka-anak , ipaalam agad kay Vice President de Castro.

At doon sa mga mapagsamantala. Makonsensya naman kayo. Nawalan na nga ng mga ama ng tahanan ang sampung pamilya ng mga nabiktimang OFWs. Huwag na ninyong dagdagan pa ang nawala sa kanila. Ang ano mang benepisyong ibibigay ng employer atin ng bayaan na makamtan ng buo ng mga pamilya. Huwag na nating pagsamantalahan pa ito.

Maraming Salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay.


Bookmark and Share

1 comment

Reaction

Reaction from Pinoys in Afghanistan

Greetings!

It's really unfortunate that such horrible accident happened to our countrymen and fellow workers here at Kandahar Airfield in Afghanistan. We are in unison and in prayer for the repose of their souls and for the well being of their families who were left behind.

However we are also one in saying that all the comments, remarks and abrupt decision by our government is all below or not at par with what is expected of them. Banning all the Pinoys who are willing to slug it out tooth and nail here in Afghanistan wouldn’t do us any good.

I've been here for just 7 months and I've talked to a lot of Pinoys here and we are one in saying that it is about time for our government to re think and do something good for the Pinoys here in Afghanistan, for the Pinoys everywhere in the world and for the Pinoys back home.

Our government is maybe the only country in the world that bans their citizens from working in Iraq and in Afghanistan. Yes it is true that this place is not safe for a tourist Pinoy but this can't be said for the working Pinoy.

It's election time again and almost every "politico" back home has something to say about the situation here. They want us to go home and stay in the Philippines and then what? Is the government willing to give us work? Is it safe there in the streets of Manila and in the jungles of Mindanao?

Is the communist party of the Philippines promising not to harass us if we go back working in the bondocks we use to cultivate back home? Are those politicians willing to sacrifice not get their kickbacks and cut on government contract even for a year just to allocate funds for the needy and for us Pinoys who are risking their lives abroad just to be able to help the economy of the Philippines?

If the answer to these questions are positive then we are willing to go back. If not then it is even more dangerous there than it is to live here in Afghanistan.

For everybody’s knowledge, we are not going out of military bases. The NATO management is making sure that no single civilian worker is going out of the camp at any given time.

We have body armor and protective gear in time of serious threat. We have hard aluminum air conditioned cabins and bunkers to run to in case of emergency. We have thousands and thousands of NATO forces inside the camp to protect us and would you believe that the ratio of soldiers to civilian inside camp is nearing 5 is to 1. Meaning there are 5 soldiers as compared to 1 civilian employee.

Would you also believe that the French, the English, the Americans, the Jordanians, and many other nationalities here are sending their people to learn and volunteer to work inside the camp to help in achieving the so called "world peace"?

Many might disagree with what US real intention is but that is not the point really. The point is the Philippines who's President is an ally of the US doesn’t have any volunteers not even a one man team to at least pretend to help. Nobody has the guts to do so and all they can do is to just sit in the background and watch the whole world fight and hopefully would rip the benefits in the future.

We Pinoys here in Afghanistan are doing our government a huge favor. We send 80% of our salaries homes every month and even more than that. We save the asses of our government officials who pulled the plug in support of NATO in Iraq because of the Angelo de la Cruz case a few years back. They even downgraded our ID's and BADGES because of that.

We are not condemning the gov’t for that kind of decision because there's a life that was put at risk. But how about us? Our government officials are so good in press releases but are always missing in action.

If the government is really serious in helping our cause here then why don’t they try to visit us here to check the real situation and see for themselves. Can somebody tell us what are they doing right now? Their statistics are even worse.

They said in the news that there are at least 1500 OFW's here? Come on, where did you get your data? I bet it is from the unreliable POEA? I also believe that some people connected with BID are already trembling because there is a possibility that one of those casualties in the crash might be the one they escorted through immigration at NAIA for a fee ranging from P5,000.00-17, 000.00. This is the reality! We are even made as milking cows of those who only see the color of money.

The accident is horrible as it is. We can’t do anything about that. It is force majeure. But what the government can do is to at least visit us here and then decide what is really best for us. And I believe it is not by sending us back home but rather by providing us with better alternatives, better benefits, better protection.

I believe the US government is even willing to increase our existing insurance policies if the government of the Philippines will be willing to discuss with them and send workers here who all of you back home describe us as "daring Pinoy workers".

But mind you, we are not as daring as an ordinary Juan dela Cruz that lives in the slums of Tondo, or the Juan dela Cruz that fights in the jungles of Mindanao or those TAONG GRASA that struggle to live in the streets of Manila.

We have food here that is better than most mayors in the Philippines are eating everyday. We have rooms that have the comfort only imaginable by middle class citizens back home. I am not only speaking for myself, majority of us here feel the same.

I dare every single politician who really cares about us and the future of every Pinoys back home to MAKE THE MOVE NOW!

Do us a favor please! Visit us here and see for yourself if we have to go home and should we stay here in AFGHANISTAN.

Juan dela Cruz in Afghanistan



Links