Ang mahalagang papel ng bawat isa - Pat A. Sto Tomas
Kung ating sinusubaybayan ang mga pangyayari dito sa atin lalo na ang mga developments sa parating na halalan sa pang-panguluhan sa susunod na taon para bagang lumalabas sa isipan ng marami na ang ating magandang kinabukasan ay nakasalalay lamang sa sino man ang mahahalal na susunod na pangulo ng ating bansa. Ang ganitong kaisipan ay nakakabahala sapagkat para sa akin ang kinabukasan natin at ng bansang Pilipinas ay hindi nakasalalay lamang sa kamay ng isang tao maging ito man ay ang bagong halal pangulo. Ang ating kinabukasan bilang isang bansa ay nakadepende sa lahat sa atin at hindi lamang sa isang tao, maging sino man ang mahalal na bagong pangulo ng Pilipinas.
Ang isang kadahilanan ng ating mabagal na pag-usad ay itong kaisipan ng ilan sa atin na tanging ang pamahalaan lamang ang siyang responsible sa pagkamit ng ating magandang kinabukasan. Dahil dito ina-asa na lamang ng ilan sa atin sa pamahalaan ang lahat to the point na pati na ang pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya ay dapat suportahan o obligasyon pa ng pamahalaan. Ito yong tinatawag na “dole-out mentality” ng ilan sa ating mga kababayan na umaasa na lamang sa mga pinamimigay ng mga ahensya ng pamahalaan pati na ng mga charitable institutions at mga may kayang kapitbahay.
Ang kinabukasan ng ating bansa at lalo na ng ating mga pamilya ay nakasalalay sa bawa’t isa sa atin o sa ating lahat. Tayo ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan at dapat na gampanan ng maayos upang ang ating bansa ay umasenso at makamit natin ang paghanga hindi lamang ng ating mga kapwa Asyano kundi pati na rin ng buong mundo. At una rito ay ang ating papel bilang mga ama o ina ng tahanan. Sa larangang ito malaki ang aking paghanga sa mga OFWs. Hindi na nila inalintana ang mga problema at ang ano mang mga balakid dala ng pagkakahiwalay sa mga pamilya at ng pananatili sa isang kaibang kapaligiran at kultura mabigyan lamang ng maayos kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ang mabigyan ng magandang bukas o maayos ang kalagayan ng ating pamilya ay hindi magagawa ng sino mang Presidente ng Pilipinas kung tayo mismo na mga ama o ina ng tahanan ay hindi gagampanan ng maayos ang papel at responsibilidad bilang mga magulang. Katulad na lamang ng pagbigay ng kahandaan sa ating mga anak upang harapin ang bukas. Totoong may free education program ang pamahalaan subalit ito ay may limitasyon o hangganan. At kung hanggang doon laman ang makamit na pag-aaral ng mga bata ito ay hindi sapat na makakapagbigay ng assurance para sa kanilang magandang kinabukasan. Kahit pa ba sila ay makatapos ng high school ng libre ito ay hindi sapat upang makapagbigay sa kanila ng kinakailangang kakayahan upang harapin ng may kahandaan ang bukas. Ayon sa ating karanasan, kailangan pa rin ng mga bata ang at least vocational o technical education upang sila ay magkaroon ng kinakailangang skills o kahandan para makakuha ng magandang trabaho. Kung sila ay makakatapos ng kurso sa kolehiyo ay lalong mas maigi.
Sa larangang ito ay nakakaungos ang ating mga OFWs at ako ay natutuwa. Ang kanilang may kalakihang kita ay siguradong sapat upang mapapunta sa kolehiyo ang mga bata at mapag-patapos ng kurso na magbibigay naman sa mga ito ng sapat na kahandaan upang harapin ang kinabukasan ng may kaayusan. Kahit papaano sila ay posibleng makakaiwas sa kahirapan at siguradong sila ay makakatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ating bansa sa kinabukasan.
Ito ang ibig kung sabihin na hindi lamang sa sino mang mahahalal na Presidente nakasalalay ang pagkamit ng magandang kinabukasan ng ating bansa. Totoong malaki ang magagawa ng Presidente at ng lahat ng mga halal na opisyales ng pamahalaan upang mapabilis ang pag-unlad ng ating bansa. Subalit mas lalong mapapabilis ang pag-unlad nito kung ang bawa’t isa sa atin ay gagampanan ng maayos ang ating responsibilidad upang mapa-unlad naman ang kalagayan ng ating mga pamilya. At una dito ay ang pag-ayos sa kahandaan ng ating mga anak upang harapin ang kinabukasan sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng tamang pag-aaral o edukasyon. Ito ang isang napakahalagang papel ng magulang na dapat natin gampanan ng husto. Kung ang ating mga anak at may mga kaukulang kahandaan upang harapin ang bukas lalong bibilis ang pag-unlad ng Pilipinas. At dito nakikita ko ang kahalagahan ng papel ng mga Overseas Filipino Workers – ang ating mga Bagong Bayani.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.
All Goventment officials Should be the model to achieve Reforms.
Sabi mo nga mahalaga ang ng bawat isa, Pero sa Turn-out ng absentee Voting Registration parang ala ng interest ang mga OFW
to participate in the state affairs.According to them "kahit sino pa ang mahalal ng maging pangulo ng bansa ala ng mangyayari sa bayan natin.
I'm sure because of unethical attitude of our Government
official From executive,Judiciary and most all Legislatve branch of government.
Kaya para bang ala na tayong ipagmalaki sa International community sa nangyayari sa ating bayan.Actually may suggestion yung mag radical group para daw tuluyan mag bago yung bansa natin from age
3 yrs and above should be kill.
I, hope na na sana may pag asa pa tayo mga Pilipino
Salamat Maam
I appreciated your comment for being inpartial on this issue.Dapat lang, kaya nga nag halal tayo nga mga opisyales sa goberno upang tulungan natin kong ano man ang kanilang adhikain o mga bagay na ikakabuti sa ating lahat.Ang nangyari sa baha isang dahilan ang pag putol ng mga punong kahoy na humahawak sa ulan at putik na hindi mag landslide, itoy responsibilidad nating lahat,dahil ang goberno ay hindi kayang sundan ang bawat isa sa atin kong ano ang ating ginagawa sa ating kalikasa, ang basura hindi rin natin sisihin naang goberno dahil itoy responsibilidad din nating lahat,dahil karamihan sa ating mga pilipino ay irresponsabli sa sarili at sa bayan.
Kong ang mga kritiko ng bawat goberno ay itong mga bagay sana ang kanilang bigyan ng pansin, rally para sa basura, rally sa pag puputol ng kahoy, rally sa mga municipal officials na hindi ginagawa ang kanilang tungkulin mas mayroon pang mag babago sa ating kumunidad.
Hindi puro Presidente and issue ,hindi rally para patalsikin,rally dahil ayaw kong ano man kahit mabuting hangarin ng goberno.
Maam,malaki ang naitutulong mo sa ganitong klasing tuno ng pananalita mo, hindi puro paninira sa goberno dahil ang goberno ay sa iyo at ang goberno ay ating lahat na Pilipino.
Kaya itigil na ang bangayan, nasaan na ang mga Black and White Movement, nasaan na si Jun Lozada ,nasaan na ang mga politiko, ang iba dyan nambibigay ng mga pagkain,baro dahil obligasyon natin yan,iyan ay hindi pa pogi para sa eleksyon, kong noon pa atin na painag rarally itong mga bagay na sanhi ng baha di sana walang baha sa atin.
Mabuhay ka Maam , sana maging patas tayo sa ating mga diskusyon dito para mas maiintindihan ng bawat Pilipino.